Local News

‘Nagpa-picture lang, Nagalit ka na!’ Stuntman, may Akusasyon laban kay Coco Martin

Matapos magsalita si Coco Martin tungkol sa isyu ng ABS-CBN franchise, nagbigay ng pahayag ang ilang dating empleyado ng Kapamilya network upang ipaalala sa actor ang mga hindi magandang karanasan sa nasabing istasyon at ibinunyag ang diumano’y ginagawa ng aktor.

Nitong Mayo 10, binunyag na rin ang nagpakilalang stuntman ang tungkol sa inuugali umano ni Coco sa likod ng camera.

Ayon sa stuntman na si Jhun Bal, nagagalit daw ang aktor kung may nagpapa-picture dito na cast. Tinanggal din daw sa trabaho ang isang indibiduwal na gusto lang magpa-video greetings kay Coco.

“Ni magpapicture nga sayo coco ikakagagalit mo pa eh, pauuwiin mo at ibaban mo sa show mo, ganyan ka kayabang, at yung isang talent na gusto lang magpavideo greet sayo total newyear naman, kaso anong ginawa mo ipinahiya mo at ipina-ban mo sa show mo, hindi ka na naawa dun sa tao, tinanggalan mo ng hanap buhay,” sabi ni Bal.

Banat pa ni Bal, bastos at hambog daw si Coco at ang mga alipores ng aktor.

“Kaya kahit na iban mo rin ako sa show mo wala akong paki-alam sayo at sa mga alipores mong todo sipsip sayo, mga bastos kayo mga wala kayong respeto!, kami ang tinatarantado nyo! Paki share guys ng malaos na ng tuluyan yang hambog na yan, pati yung mga sipsip dyan na ubod din ng kahambugan,” dagdag pa ng stuntman.

Kamakailan lang ay isa naman dating cameraman ang nagsalita laban sa inaasta ng aktor sa set. Sinegundahan niya ang mga sinabi noon ng actor na si Robin Padilla na nambubuhos umano si Coco ng tubig sa mga production staff ng kanyang programa.

“Yung’ mga stuntmen na pinagsalitaan mo ng hindi maganda, ‘yung grupo ni Tatay Bal Iglesias. Alam mo Coco, maraming problema sa akin na binanggit ni Boy Roque dahil nakasama ka niya sa trabaho. Kung anong klaseng ugali mayroon ka? ‘Yung pabuhos-buhos mo pa ng tubig sa utility. Alam niyo mga kababayan, si Robin Padilla… Minsan na nakasakit at napuruhan ang stuntman dahil sa sparring pero makikita mo si Robin humihingi siya ng sorry. Maya-maya nilalambing ni Robin at binigyan ng pera, kung baga pampalubag-loob ang tawag doon o pampagaan ng kalooban. Ikaw, ang nakarating na balita sa akin, kasi maraming nagsusumbong sa akin na stuntmen, minsan nakapanakit ka, napuruhan mo ‘yung tao, base ng kwento ng stuntman sa akin, ang sabi ni Coco, ‘Pasensiya ka na hindi ako katulad ng isang tao diyan na ‘pag nakapanakit humihingi ng tawad at nag-aabot. Hindi ako ganun’. So anong ibig mong sabihin? Papanindigan mo na ganun ka,” saad ng cameraman na si Journalie F. Payonan.

Source: Jhun Bal | Archive | Jhun Bal | Journalie F. Payonan

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: