Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Nagpakilalang “Bikoy”, Hinamon ni Paolo Duterte “Haharapin kita!”

Kaninang hapon, lumantad si Peter Joemel Advincula para ihayag sa media na siya si alyas “Bikoy”, ang lalaki sa video series na naninira sa pamilya ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagsangkot sa mga ito sa droga.

Dahil sa paglabas ni Advincula, kaniya-kaniyang ng researcha ng mga taga-suporta ng Pangulong Duterte at dito nalaman na si Advincula ay dati ng kasuhan ng large scale estafa at nakulong na din.

Sa isang pahayag, kinutya ni presidential son at former Davao Vice mayor Paolo Duterte si Advincula.

“Mula sa pagiging kilalang scammer, ngayon ay certified na artista itong taong nagpakilalang Bikoy,” sabi ni Paolo.

Hinamon ni Paolo na kasuhan siya ni Advincula at magpakampi pa kay Senador Antonio Trillanes.

“Puro satsat. Panay drama. Magsampa ka ng kaso. Sasagutin kita. Haharapin kita. Isama mo rin si Antonio Trillanes,” Banat ni Paolo.

Pinaghihinalaan naman ng ilang pro-government bloggers ang paglantad ni Advincula. Ayon sa prominenteng DDS blogger at radio host na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy, tila nanggugulo lang daw si Advincula.

Base naman sa impormasyon ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, ginamit na raw ni Advincula ang kuwento at paratang nito laban kay former president Noynoy Aquino noong 2016 at nire-recycle na lang daw laban kay Pangulong Duterte.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén