Local News

Nagpositibo sa Droga ang Abusadong Driver na Nangaladkad at Nanapak ng Traffic Enforcer!

Nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot si Orlando Ricardo Dizon Jr., ang driver na nangaladkad at sumapak sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer sa Maynila, ayon kay Manila Mayor Francsico “Isko Moreno” Domagoso.

Nag-viral kamakailan lang ang video closed-circuit television (CCTV) footage ng Manila Public Information office kung saan makikita ang MTPB enforcer na si Adrian Lim na nakasabit sa umaandar na sasakyan ni Dizon.

Nagpumilit si Rocardo na umeskapo sa enforcer upang matakasan ang traffic violation nito at hindi magbayad ng mula na P500.

Ang enforcer ay nahulog sa Gelinos Street at agad namang dinala sa pinakamalapit na ospital. Nahuli naman si Dizon sa Tayuman. Nahaharap ang abusadong driver sa mga kasong physical injury at hit and run. Sinuspindi na rin ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng abusadong driver.

Ang abusadong driver ay kinumpronta ni Mayor Isko loob ng piitan upang sermunan.

Sa flag-raising ceremony ng Maynila, ginawaran ng gatimpala ni Mayor Isko si Lim. Kung dati ay job order lang ang status ng trabaho nito, ngayon ay regular na siya MTPB.

Source: Wheels | GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén