Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

“Nagsi-CR ako kung saan ako dapat Mag-CR. Sumusunod ako sa batas”- Jake Cyrus

Kasunod ng naging maingay na usapin sa isyu ng isinusulong na SOGIE bill at sa gitna ng kaliwa’t kanang debate kung dapat nga bang magkaroon ng gender-neutral na palikuran o hayaan na lang mag-cr ang mga trans people ayon sa kani-kanilang gender identity, isang makabuluhang opinyon naman ang binitawan ng singer na si Jake Cyrus.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nang tanungin si Cyrus sa kanyang album launch na “Evolution” noong Miyerkules tungkol sa nabanggit na isyu, sinabi niyang sumusunod siya sa batas at inirerespeto niya umano ito at hindi niya umano kailangang gumamit ng palikuran ng mga lalaki.

“I used to think that way- pipilitin ko ‘yung sarili ko to go to the male’s restroom. But the more that I grow older, the more I realized na not everyone thinks the same,” saad ni Cyrus.

“Not everyone believes in the same beliefs that you have in, so nagsi-cr ako kung saan ako dapat mag-cr. I simply follow the law. I respect the law,” dagdag pa ng mang-aawit.

Ayon pa kay Cyrus, mas marami pa umanong suliranin sa bansa na higit na kailangang pagtuunan ng pansin.

“This is not about the CR anymore- this is about how we are going to treat each other and how we are going to understand each other. This is not just about understanding me, understanding the LGBT community- this is both ways,” saad ni Cyrus.

“I am just following the law because it’s what they said, right? Biologically, I am a woman so I follow it,” dagdag pa ni Cyrus.

Sinabi rin ni Cyrus na magiging bukas siya sa ideya ng “gender-neutral” na mga palikuran kung “majority” ng mga Pilipino ang papayag dito.

“There are so many problems that we should face a lot more than this. I am concerned of that. Pabor ako kung mababasa ko sa comments na okay na ang lahat,” wika pa ng mang-aawit.

Source:
ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén