Local News

Nagtatapon lang ng Pera sa White Sand Project- Kiko

Kung may mga kababayan tayo na natutuwa sa rehabilitation project ng pamahalaan sa Manila Bay kung saan nilalagyan ito ng white sand para ma-rehabilitate at mapaganda. Iba naman ang reaksyon ng opposition senator Kiko Pangilinan sa ginagawang mabuting hakbang ng gobyerno. Para kay Kiko, pagsasayang lang daw ng pera ang nasabing proyekto.

“Hindi katanggap-tanggap na habang nagugutom ang mga kababayan natin, walang hanapbuhay ang mga magulang, at walang kagamitan ang mga anak para sa online classes, ay nagtatapon lang tayo ng pera sa mga proyektong maaaring makasira pa sa kalikasan at sa ating kalusugan,” boladas ni Kiko.

Dumipensa naman ang Duterte Administration sa mga bumabatikos sa pondong inilaan para sa white sand project. Ayon sa tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Sec. Harry Roque, nailaan na ang pondo para sa proyekto noong wala pa ang covid-19 pandemic.

“This plan to put white sand in Manila Bay, it was part of the budget for 2020. This means it was approved in 2019. We could not foresee that there would be a COVID-19 [pandemic],” paliwanag ng kalihim.

Halos ganito rin ang naging reaksyon ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda sa mga tumutuligsa sa pondo sa natrurang proyekto.

“Siguro kung pera lang ito na puwede nating i-juggle from one place to another, gagawin po ng gobyerno. But hindi po maaari iyan. Bawal po iyon… Hindi ho ‘yan bagong project. We cannot connect this with the pandemic,” banat ni Usec. Antiporda.

Alam niyo ba na na-indict si dating presidente Noynoy Aquino dahil sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). Sa naturang programa, ginamit ang pondo na inilaan sa ilang proyekto para sa ibang bagay.

“Ombudsman Conchita Carpio Morales indicts ex-President Noynoy Aquino for usurpation of legislative powers over the controversial Disbursement Acceleration Program,” sabi sa isang ulat.

Source: News5 | Philstar | ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: