Local News

Nagulantang! Tulak ng Shabu, Huli sa Akto habang Katransaksyon ang mga Undercover!

Himas rehas ang inabot ang apat na tulak ng shabu sa ikinasang operasyon ng mga alagad ng batas.

Ang operasyon na pinagsanib na pwersa ng Philipines National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nakunan ng undercover camera. Agad naman nag-viral ang footage dahil sa mga reaksyon ng mga suspek. Tila nagtataka pa ang mga ito kung bakit sila hinuhuli ng PNP at PDEA. Humirit pa ang isa sa mga suspek na nagpag-utusan lang at menor de edad daw.

“Bakit po? Inutusan lang po ako… Ang bata bata ko pa sir eh, 17 palang ako,” sabi ng isang salarin.

Ang mga suspek ay kinilala na sina Andre Beltran, 21; Fahad Sakip Malik, 18; Liza Ocampo, 18; John Robert Vicente, 19.

Nasabat sa mga kawatan ang milyon-milyong halaga ng ipinagbabawal na gamot, cellphone at marked money. Ayon sa otoridad, matagal na nilang minamanmanan ang modus operandi ng grupo. Ginamit umao ng mga ito ang social media para sa pagtutulak ng shabu.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén