Local News

‘Naka-Aircon at Sasakyan Kayo! Kami Tagakabit ng Posters Ninyo!’ Sarah Elago, Binuking ng Former Student Activist

“Sarap ng upo niyo diyan sa mga opisina ninyo,”

Ganito ang naging banat ni Ka Alem laban kay Kabataan partylist Representative Sara Elago. Si Ka Alem ay dating student activist na bahagi ng League of Filipino Students (LFS). Sa kaniyang panayam sa ilang media, binanatan nito si Kabataan partylist representative Sarah Elago.

“Hi Ms. Sarah, ang sarap-sarap ng buhay niyo. Pare-pareho lang naman tayong aktibista at kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sana maawa na kayo sa mga nanay na hinahanap ang mga anak na nakasama sa New People’s Army (NPA), habang kayo ay nasa kuwarto ninyo at nagpapa-aircon at may mga sasakyan,” sabi ni Ka Alem.

Nanawagan siya sa kongresista na itigil na ang paninira sa buhay ng mga kabataan. Kumpisal pa ni Ka Alem, gumuho ang kaniyang buhay dahil naniwala siya sa mga propaganda ng mga makakaliwa. Lubos din daw siyang nagsisi dahil nasayang ang oportunidad na binigay sa kaniya ng magulang niya.

“Sana tigilan niyo na ang panloloko niyo sa kabataang katulad ko kasi marami ng buhay ang nasira dahil sa propaganda ninyo. Isa na ako doon kasi ngayong ko na-realize kung gaano kalaking oportunidad ang sinayang ko noong panahon na pinag-aaral ako ng magulang ko, na nagsusumikap sila para makapagtapos ako sa pag-aaral, pero mas pinili kong maniwala sa propaganda ninyo,” banat ni Ka Alem.

“Isa ako sa nag-puyat noong eleksyon 2016 para magkabit ng mga posters (ng Kabataan Partylist). Pero sino hayahay ang kalagayan ngayon? Di ba ikaw. Ako, nagma-masakara at nagtatago kasi natatakot na papatayin niyo ako, dahil nagsisiwalat ako ng katotohanan tungkol sa inyo,” patutsada pa ni Ka Alem.

Narito po ang mas mahabang panayam kay Ka Alem.

Source: KABOS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén