Local News

“NAKAKAHIYA! Ibang bansa pa ang Nagmalasakit sa Pilipinas” Boladas ni Leni

“Nakakahiya naman yata na iba pa iyong nakapansin, iba pa iyong nagmamalasakit, iba pa iyong nababahala,”

Ganito ang naging boladas ni Vice President Leni Robredo sa kanyang programa sa radyo nitong Linggo patungkol sa pagtawag ng imbestigasyon ng ibang bansa sa kampanya kontra-droga ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong nakaraan linggo, napabalita na naghain ang bansang Iceland ng draft resolution sa Human Rights Council sa United Nations para pa-imbestigahan ang mga libo-libo namatay sa giyera laban sa ipinagbabawal na gamot ng Duterte Administration.

Ayon kay Robredo, nakapanlulumo ang estado ng Pilipinas dahil tila nakahanay na raw ang ating bansa sa mga bansang kilala na lumalabag sa karapatang pantao.

“Noong una kong nabasa iyon, parang nakakapanlumo na nakahilera na tayo—ilang bansa iyong kinall iyong attention doon. Ang mga kahilera na natin…Afghanistan, Sudan, ‘di ba, iyong mga bansa na kilalang-kilala sa mga human rights violations, kahilera na tayo,” patutsada pa ni Robredo.

Dismayado din daw si Robredo dahil mga banyaga pa ang nananawagan ng imbestigasyon imbes na mga Pilipino.

“Iyong sa akin lang, iyong ibang bansa nababahala para sa atin. Pero dito sa atin, parang ang nababahala yata kaunting-kaunti lang. Parang business as usual para sa lahat, kahit ang daming patayan na nangyayari, parang wala lang,” bulalas pa ni Leni.

Nagbigay din ng reaksyon si Leni patungkol sa naging komento ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagkamatay ng 3-anyos na si Myca Ulpina. Ayon sa ilang ulat, ginawa daw na “human shield” ng tatay na durugista si Myca dahilan kaya natamaan ang paslit ng bala.

“Hindi puwedeng sabihin na ‘talagang nangyayari iyan,’ kasi kapag inaayos naman natin iyong kampanya, hindi naman dapat nangyayari iyan. Iyong sa akin lang, iyong pinakahuling nangyari, dapat wake-up call ito sa lahat na ito na iyong huli,” sabi ni Leni.

Ayon sa dating hepe ng kapulisan at ngayo’y Senador Bato, may mga hindi inaasahanag nangyayari sa mga police operations.

“Sino ba may gusto, ikaw ba pulis ka gusto mong may batang matamaan? Never, kasi ikaw may anak ka rin. Hindi mo gustong may mangyaring ganun pero sh*t happens during operations,” paliwanag ni Senator Bato.

Source: GMA News | GMA News | CNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén