Local News

“Nakasuhan din ako ng Libel pero HINDI Umiyak!” Journalist to Maria Ressa

Ang mga kasamahan ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa sa industriya ng pamamahayag ay nagsasalita na at hindi lahat ay pabor sa kanya. Kamakailan lang ay nagpahayag ng opinyon laban kay Ressa si Daily Tribune journalist Ninez Cacho-Olivares. Tinawag ni Olivares na pekeng drama ang inaasta ni Ressa kaugnay sa cyber liberl case na kinahaharap nito at hindi daw dapat palabasin ni Ressa na ang pamahalaan ang nasa likod ng kinasasangkutan nitong problema.

“Another Palace move to silence you, Maria? Oh, puhleez. Spare us the false indignation!
Stop saying the government resorted to legal acrobatics, as well as the ‘pettiness of forcing’ you to spend the night in jail… Government’s way to silence Ressa? What amateurish drama Maria makes. How can this be taken as a move to silence her when Rappler is still functioning and she can write as freely as she wants and she is not being censored?”
pahayag ni Olivares.

Ngayon, isa pang journalist ang nagsalita na rin laban din kay Ressa. Sa kanyang Facebook post, idinetalye ni Jogin Rey Tamayo ang kayang karanasan bilang mamamahayag.

“Sometime on August 2000, I was among 27 other Baguio journalists who went to jail for the crime of libel. We never cried persecution. We didn’t take it against the government because we were sued by a private citizen- a publisher at that. But we fought on the courts, not on press conferences crying to the high heavens of shutting off press freedom. We won that case.” sabi ni Tamayo.

Mas masuwerte pa nga raw si Ressa dahil hindi ito pinosasan at nakapalibot ang mga reporters habang inaaresto ito.

“You are lucky Maria you were not even handcuffed and had reporters around you when you were arrested-it certainly became a circus when they came to arrest you. C’mon Maria Ressa, libel suits come with the territory. Yet here you are getting all the attention on print, on air and online,” banat ni Tamayo.

Para kay Tamayo, pinalalaki lang daw ni Ressa ang isang maliit na isyu.

“(Wo)man up Maria Ressa! A journalist worth her salt would not even be making mountains out of molehills. You are a disgrace to the profession and a classic example of an irresponsible journalist,” dagdag pa ni Tamayo.

Base sa aming online research, Si Tamayo ay nagsulat sa Baguio Midland Courier, isang provincial newspaper. Ayon sa Facebook page ng Baguio Midland Courier, naitatag ito noong April 28, 1947.

Si Ressa ay nahaharap kasong cyber libel na isinampa ng businessman na si Mr. Wilfredo Keng. Si Keng ay naging laman ng artikulo ng Rappler noong 2012 kung saan naiulat na may kaugnayan umano ito sa drug smuggling at human trafficking.

Source: Jogin Rey Tamayo | Daily Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén