Local News

“Nakuha lang ang Atensyon niyo dahil White Sand! Paano kung Black Sand?” Mayor Isko to Karen Davila

Pinag-pipiyestahan ng ilang kababayan natin ang naging panayam ni ABS-CBN anchor Karen Davila kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Sa nasabing kasing interview, mapapanood na tila butata ang lahat ng banat ng mamamahayag kay Yorme. Tiatalakay kasi ng dalawa ang tungkol sa Manila Bay White Sand Project.

Ilan sa mga punto inilutang ni Mayor Isko ay ang panahon kung kailan inaprubahan ang budget sa nasabing proyekto. Kinuwestiyon din niya ang mga kritiko kung magiging parehas ang reaksyon ng mga ito kung ang ginamit ng gobyerno ay itim na buhagin imbes na white sand.

“So these lawmakers, I understand their feelings. But remember, they are part of the approval of the 2020 budget last year and it was presented to them one way or another… Third, timeliness. Eh two years ago pa ito e. Hindi ito nasimulan nang isang linggo, isang buwan o nung January, this is two years ago, so it didn’t happen overnight. It’s just that your attention or some other individuals’ attention was called when it is white sand. But what if it is black sand?” sabi ng alkalde ng Maynila.

Panoorin ang reaksyon ng vlogger na si Banay By sa naging sagot ni Mayor Isko kay Davila.

Source: Banat By | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: