Local News

Nalilito? Catriona Gray, Iniba ang Depenisyon ng #JunkTerrorBill; Pinalpal ng mga Netizens!

Matapos makisawsaw sa usapin tungkol sa anti-terrorism bill na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na urgent, nakatikim ng iba’t-ibang reaksyon ang naging opinyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Kaya biglang nag-iba ang tono nito sa pinaka huli niyang public statement kaugnay sa sikat na panukalang batas. Kung dati ay #JunkTerrorBill ang isinisigaw niya, ngayon ay revise na lang daw.

“Making the stand of #JunkTerrorBill does not equate to supporting violence or terrorist… #JunkTerrorBill is a call to #ReviseTerrorBill (becasue it can be… and should be better), if the need is indeed urgent during this time,” sabi ni Gray.

Ang pagbabago ni Gray ng tono ay hindi pinalampas ni Film Development Council of the Philippines Director General Vivian Velez.

“Confused? Saving face? Ano ba talaga, Missed Universe? The draft Anti-terrorism Act of 2020 passed both the House of Representative and the Senate, ang PRRD is expected to sign the bill into law. Nothing to revise and no more debate… From the people of Mindanao, the anti terro­rism bill is their silver lining. And I thank you,” banat ni Velez.

Bumanat din kay Catriona ang lecturer sa Maastricht University na si Sass Rogando Sasot.

“Catriona Grey changes stance from Junk Terror Bill to Revise Terror Bill. Teh, final na ba yan. What changed sis? Nakakita ka ba ng silver lining?” sabi ni Sasot.

Hindi rin nakapagtimpi ang radio host at Manila Bulletin columnist na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy sa bagong pahayag ni Gray.

“Junk is to repeal. Revise is to amend. Jusko naman Catriona Gray, ang gulo ha.” buwelta naman ni Nieto.

Ipinaliwanag na noon ng mga opisyal tulad nila Defense Seretary Delfin Lorenzana at Senador Ping Lacson na ang anti-terrorism bill ay mayroong panuntunan para maiwasan ang paglabag sa karapatan-pantao ng mga Pilipino.

Source: News5 | Philstar | Sass Rogando Sasot | Thinking Pinoy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: