Local News

Namatay ang Baby dahil May kaso ang Nanay? Ex-Otso Diretso Candidate, Bumoladas sa Nangyari sa Aktibista!

Kaninang umaga ay nanggalaiti ang mga kritiko ng administrasyon nang batikusin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago ang tila drama serye na pagtutok ng media sa kaso ni Reina Mae Nasino, ang aktibista na nahulihan ng granada at armas sa Maynila noong 2019.

“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan

Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!” sabi ni Pialago.

Si Nasino ay pinayagan ng korte na makapunta sa burol at libing ng anak nito. Pero tinutukan ng media ang mahigpit daw na pagbabantay ng otoridad sa nasabing aktibista.

Hindi naman nagustuhan ni former opposition senatorial candidate Samira Gutoc ang naging opinyon ni MMDA Asec. Pialago. Ayon kay Gutoc, namatay daw ang sanggol dahil may kaso ang nanay nito.

“Ang daming legal arguments, pero let’s keep it simple for you sweetie. The child passed away because of charges that are yet to be proven in court. Masyado kang pa relevant, I rolled my eyes so hard I almost passed out.” boladas ni Gutoc.

Ang pahayag na ito ni Gutoc ay taliwas sa ilang ulat na lumabas. Base kasi sa naging finding ng mga doktor, namatay ang anak ni Nasino dahil sa kumplikasyon dulot ng pneumonia.

Source: Samira Gutoc | Archive | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: