Local News

Watch! Nanay na Nakatira sa “Basecommunity”, May Reklamo!

Inulan ng puna ang isang ginang sa social media matapos niyang ireklamo ang kanyang paglipat sa ‘Basecommunity’ na proyekto ng gobyerno ng Maynila.

Ang Basecommunity ay ipinatayo para bigyan ng mura at maayos na tirahan ang mga residente ng Maynila.

Pero hindi lahat ng nabiyayaan ng pabahay ay masaya sa proyektong, isa na dito ang ginang na nakausap ng vlogger na si Khopars.

Kinamusta ng vlogger ang mga nabiyayaan ng bahay, kasama na dito ang ginang pero imbis na magpasalamat ay puro puna ang kanyang sinambit.

Isa sa mga inirereklamo niya ay ang 2,000 na kailangan bayaran ng mga nakatira sa Basecommunity kada buwan dahil hindi daw ito kakayanin ng mga walang trabaho.

Ayon sa kanya ay wala silang pinirmahan na agreement kaya’t ang paniniwala niya ay habambuhay nilang babayaran ang nasabing bahay.

Inireklamo niya din na hindi sila pwedeng magdala ng iba nilang kamag anak o bisita sa kanilang mga natanggap na bahay.

“Hanggang siyam lang ang pwede, paano na ‘yung sobra?… Maganda nga ‘yung bahay pero pag gising mo mag iisip ka ng pambayad, wala ka namang hanapbuhay… Kung hindi nasunog mas maganda pa ‘yung squatters nalang kami, hindi pa kami mag iisip ng kung ano ano na pambayad namin, kung may babayaran kami o wala… Ang iintindihin lang namin pagkain namin, bahay namin hindi na kami magbabayad syempre squatters,” sabi pa ng ginang.

Source: Khopars Vlog

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: