Local News

Nanay ng Namatay na Flight Attendant Christine Dacera, Kinasuhan!

Nagsampa ng kaso ang limang lalaking inaakusahan na humalay at pumatay kay Christine Dacera. Ang kinasuhan nila ay ang mismong nanay ni Christine na si Ginang Sharon Dacera, mga miyembro ng Makati Police at iba pa.

Ayon sa abogado nila Rommel Galido, John Pascual dela Serna III, Gregorio de Guzman, Clark Rapinan at Valentine Rosales na si Atty. Mike Santiago, gagawin daw ito ng kaniyang mga kliyente para maipanumbalak ang kanilang diginidad.

Pinakakasuhan ni Santiago si Ginang Sharon ng perjury, libel, cyberliber, slander, malicious prosecution, incriminating innocent persons at intriguing honor. Kasama din ni Ginang Sharon sa asunto ay ang pinsan ni Christine na si Katherin Anne Facelo, at si Dr. Marichi Fong.

Ipinipilit daw kasi ni Ginang Sharon sa publiko na pinaggamit ng droga si Christine at hinalay ito, kahit na ang lumabas sa medico-legal report.na ang sanhi ng pagkamatay ni Christine ay ruptured aortic aneurysm.

Si Christine ay naging laman ng mga balita noong Enero matapos ang kaniyang pagkamatay. Base sa mga naunang ulat, ipinagdiwang nina Christine at ilang kaibigan nito ang bagong taon sa isang hotel sa Makati. Kinaumagahan ay natagpuan na lang si Christine na wala ng buhay.

Ayon sa ilang inaakusahan na nanghalay kay Christine, mga bading daw sila kaya hindi sila pumapatol sa babae.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén