Local News

Nanay ni Trillanes, Dawit umano sa Maanomalyang Helmet Deal ayon sa Pangulo

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ni Davao City Vice Mayor Baste Duterte, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa graft and corruption sa Philippine Military Academy (PMA) ang nanay at tatay ni Senador Antonio Trillanes.

“If there was something wrong, if there was money there, kila Trillanes ‘yon, hindi sa amin. Ang No. 1 na graft and corruption diyan noon sa PMA, ‘yung tatay niya pati ‘yung nanay niya,” sabi ng Presidente.

Dawit din daw ang nanay ni Trillanes sa maanomalyang pagbili ng mga kevlar helmets.

“Remember ‘yung Kevlar? It’s a helmet na matigas na hindi matamaan ng . . . kung bala hindi masyado maka-penetrate. That’s Kevlar. Ang nag-deliver noon ang nanay ni Trillanes pati si Napoles. ‘Yan ang totoo diyan,” pagbubunyag pa ni Presidente Duterte.

Magugunita na isiniwalat din ni Pangulong Duterte noong September 2018 na mayroong iligal na transaksyon ang nanay ni Trillanes sa Philippine Navy. Nangyari daw ang transaksyon noong nasa serbisyo pa military service pa raw ang ama ng senador.

Panoorin ang ulat ng GMA News noong 2015 kaugnay sa helmet ng sinupply ni Janet Lim-Napoles.

Source: Inquirer | via Mahalika | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén