Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Nancy Binay, Natatakot Daw Para sa Buhay ng Kapatid na si Junjun Binay!

Kamakailan lamang ay naging maingay at laman ng mga balita sa main stream at maging sa social media ang mainit na pagtatalo ng magkapatid at political rivals na sina Incumbent Makati City Mayor Abigail (Abby) Binay at Junjun Binay.

Ngayon, ang isa pa nilang kapatid na si Senator Nancy Binay naman ang may pahayag ukol sa kanyang nararamdaman sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang kapatid na si Junjun, mula sa ulat ng GMA News.

Maluha-luhang inilahad ni Senator Nancy Binay ang kanya umanong pangamba para sa buhay ng kapatid na si Junjun, na simula pa umano noong nakaraang taon ay ilang beses nang nakatanggap ng death threats.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Senator Nancy Binay na hindi umano magagawang saktan ni Abby si Junjun.

“Natatakot ako for him. Baka saktan nila pag nag-away. Because alam ko ‘yung kapatid ko hindi niya kaya pero ‘yung mga nakapaligid sa kanya kaya,” saad ng Senadora.

“I was really fearing for his life. Unang-una ‘yung mga pamangkin ko kawawa naman, wala na ngang nanay, baka mawalan pa ng tatay kasi nga magiging ganun kainit ‘pag naglaban sila,” dagdag pa ni Senator Nancy Binay.

Samantala, ayon naman kay Junjun ay nakatanggap na umano siya ng mga impormasyon tungkol sa mga taong nais siyang saktan mula pa noong nkaraang taon, gayundin sa mga taong araw-araw siyang sinusubaybayan, bagama’t tumanggi siyang pangalanan ang mga ito.

“Kasi ‘yung last year I was already getting information na there were people who were planning to hurt me. I just told my mom kasi ayaw ko naman palakihin. They were actually getting my schedule. There was a person checking on me practically the whole day, ‘yung mga activities ko. And my mom feared for my safety because I go around without a security,” ani Junjun Binay.

“I’d rather not comment at this point but keeping it within the family, at least I had the opportunity to tell my mom and my sisters about it. Monette died, my assistant died,” dagdag pa ni Junjun

Source: GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén