Local News

Suspek na Nangongotong sa mga Vendors sa Maynila, Nasampolan ni Mayor Isko!

Hindi na nakaporma si Melanie Angeles nang damputin ito ng mga pulis dahil sa pangongotong o pangingikil sa mga vendors sa Abad Santos corner Recto sa may Divisora. Sa pamamagitan ng surveillance video ng Mayor’s Special Reaction Team, nakita kung paano isinasagawa ng mga kawatan ang kanilang operasyon laban sa mga pobreng vendors.

Nangingikil ang grupo ni Angeles sa mga vendors para “payagan” ang mga ito na makapwesto at makapagtinda sa ilang lugar. Ayon sa ulat, si Angeles ay alipores ng isang organizer.

Sa hiwalay na video, mapapanood din ang kasamang lalaki ni Angeles sa ibang bahagi ng Divisoria na nangingikil din at kalaunan ay ibinigay ng lalaki ang pera kay Angeles. Dahil dito, dinapot na ng otoridad si Angeles.

Magugunita na binunyag ni Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso sa publiko na mayroong nag-o-organisa sa mga vendors at ito ang mga lubos na kumikita kapag may mga vendors na nakapatitinda sa kalsada.

“Sir, we were organized. Kaya ang salitang organizer sa vendors, hindi na bago. You ask the vendors, may organizer na ganito atmay organizer na ganyan. Tapos iyan kokopohin, tapos i-imbuduhin, tapos na ganyan si e di,” pagsisiwalat ng bagong alkalde ng Maynila.

“500 po (ang kinikita ko). Para sa “rights” po yun. Dapat kasi kami ang lalatag doon,” sabi ni Angeles.

Mahaharap si Angeles sa 7 counts ng robbery and extortion. Kakasuhan din ang suspek ng grave coercion dahil sa ginagawa nitong pananakot sa mga vendors.

“Pinakasikat daw ito. The so-called Carol Bakulaw group. Pangalan pa lang, buwaya na eh,” banat ni Mayor Isko.

Panoorin ang buong video ng paghuli kay Angeles ng otoridad.

Source: ABS-CBN News | Philippines Star | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: