Local News

“Napaka-INSENSITIVE!” Leni, Naki-Batikos sa Manila Bay White Sand Project!

Nakisali sa batikos si Vice President Leni Robredo sa ginagawang pagpapaganda ng Duterte Administration sa Manila Bay.

Magugunita na naging laman ng mga balita kamakailan lang ang Manila Bay project ng gobyerno kung saan tinatambakan ito ng white sand para maging kaaya-aya sa mata.

Pero para kay Leni, ang hakbang daw na ito ng gobyerno ay insentive.

“Para napaka-insensitive na gagawin mo iyan sa height ng pandemic, na ang daming nagugutom… Sa akin, kung guston niyang i-beautify, i-beautify pero sa panahon ngayon? Sa panahon ngayon na ang daming pangangailangan na ang sagot natin ‘walang pera’,” patutsada ni Leni.

Sinagot naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga boladas ng iilang personalidad at grupo.

“I don’t buy that argument. Kasi alam mo, sa gitna ng pandemya, kinakailangan din na pangalagaan ang mental health… I think, yung pagpapasyal sa mga lugar kagaya ng Manila Bay, hindi mo maka-quantify ang epekto niyan pagdating po sa mental health ng ating mga kababayan–yung kapayapaan ng pag-iisip… Sa tingin ko naman po hindi itutuloy ang proyekto ng DENR nang walang sapat na pag-aaral… I’m looking forward to it dahil ako po ay mahilig talaga na maglakad at maupo diyan sa Manila Bay… Sa tingin ko po ang beach na ‘yan ang makakatulong pa para maging pinakamagandang lugar sa buong mundo ang Manila Bay… Right now, Manila Bay is known for its sunset, probably the best sunset in the world. With the white beach there, it will be one of the most picturesque sceneries in the whole world,” ani Roque.

Source: ABS-CBN | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: