Local News

Napatay na Aide ni Atty. Chong, Nag-Negatibo sa Paraffin Test! “It was an Execution” – Atty. Trixie

Maraming kailangan ipaliwanag ang ilang miyembro ng kapulisan na nakapatay sa bodyguard/aide ni Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan. Sa social media post ni Attorney Trixie Cruz-Angeles, sinabi nito na nag-negatibo umano si Santillan sa isinagawang paraffin test. Ang paraffin test ay ginagawa para malaman kung ang isang tao ay nagpaputok ng baril. Base din sa paunang impormasyon ni Angeles, nagtamo ng 15 na bullet wounds si Santillan. Hindi rin daw “encounter” ang nangyari, kundi, ito ay isang execution.

Para lang may ideya kayo sa istoryang ito. Madaling araw noong Lunes nang mapatay si Santillan ng kapulisan sa may Rizal. Pinalalabas ng pulis na si Santillan ay miyembro umano ng isang sindikato na nag-ooperate sa naturang lugar. Ang mga akusasyon ng pulis laban kay Santillan ay mariing tinututulan ni Attorney Chong. Ayon kay Chong madalas niya raw kasama si Santillan at nagpunta lang si Santillan sa Rizal para sa isang gift giving.

Si Attorney Chong ang isa sa pinaka-maingay na kritiko ng COMELEC, Smartmatic at kampo ni VP Leni RObredo. Dumalo ito sa ilang senate hearing para ibunyag ang nangyaring dayaaan noong 2016 elections.

Panoorin ang panayam ni Kabayan Noli De Castro kay Attorney Chong.

Panoorin ang ulat sa pagkakapaslang kay Santillan.

Basahin ang reaksyon ng mga tao sa isiniwalat ni Attorney Angeles sa kanyang social media account tungkol sa negatibong paraffin test result kay Santillan.

Source: Luminous | DZMM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén