Local News

“Nasa Batas Iyan! LGU dapat ang First Responder sa Kalamidad!” Netherland-Based Lecturer, Sinupalpal ang mga Kritiko ng DU30 Govt

Dahil sa paandar ng mga kritiko ng Pangulo Rodrigo Roa Duterte, hindi napigilan ng Netherland-Based Lecturer na si Sass Rogando Sasot na magbigay ng opinyon.

Magugunita na pinate-trending ng mga kritiko ng Duterte Administration ang hastag na #NasaanANgPangulo tuwing hahagupitin ng kalamidad ang ating bansa. Sa pamamagitan nito ay gusto nilang palabasin na walang ginagawa ang si Pangulong Duterte sa gitna ng kalamidad.

Ang paandar na ito ay agad sinupalpal ni Sasot. Ayon sa lecturer, nasa batas na ang dapat mauunang reresponde sa mga kalamidad ay mga itinalagang Local Government Units o LGUs.

“Republic Act 10121 or the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 designates LGUs as the first responders in the occurrence of natural and man-made calamities.” buwelta ni Sasot.

Narito ang isang bahagi ng RA 10121 na ibinahagi ni Sasot:

“The NDRRMC and intermediary LDRRMCs shall always act as support to LGUs which have the primary responsibility as first disaster responders. Private sector and civil society groups shall work in accordance with the coordination mechanism and policies set by the NDRRMC and concerned LDRRMCs.”

Kinutya din ni Sasot ang mga anti-Duterte sa pamamagitan ng sarkastikong banat.

“Kiber sa sistema, Digong ikaw talaga dapat first responder. Ikaw na rin mag-fundraising, magpack ng relief goods, at magdistribute, ikaw na rin maglinis ng kalsada,” dagdag pa ni Sasot.

Halos parehas din ang paliwanag ni Congresswoman Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran kaugnay sa isyu.

“I saw various posts on facebook, tiktok, twitter #nasaanangpangulo and all other people complaining na nasaan ang gobyerno, bat wala ginagawa ang gobyerno, walang tulong na dumarating galing gobyerno.
Yun reklamo po ng reklamo please sa mga kababayan natin ieducate po natin ang ating mga sarili.

Una una sa lahat pag may calamity sa lugar ninyo po HINDI PO ANG PANGULO ANG UNANG HAHANAPIN NIYO.
Kaya nga po meron tayong tintawag na LOCAL GOVERNMENT UNIT nandyan ang Barangay Kapitan, Disaster Risk Reduction and Management Council, PNP, BFP, Municipal or City Councilors, Municipal or City Mayors sila po yun una natin tawagin hindi po ang Pangulo. Sila po yun unang una na mag aaction at nandyan para sa ating bayan.” paliwanag ng kongresista.

Source: Sass Rogando Sasot | Archive | Congresswoman Bai | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén