Local News

Panahon ng Kalamidad, ang Iniisip mo 2022 Elections! Leni, Bumoladas laban kay PDU30!

Umalma si Vice President Leni Robredo sa mga naging banat sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kamakailan lang. PKuda ni Robredo, humaharap daw ang bansa sa kalamidad pero ang iniisip daw ng Pangulong Duterte ay ang halalan 2022.

“Unang-una, matagal na niya akong winawaswas. Pangalawa, kahit sino walang karapatang manakot ng iba. Para sa akin, iyong mga nananakot, iyon iyong mga hindi sigurado sa sarili, ‘di ba?… Tapos iyong 2022, ano ba naman iyan, nasa gitna tayo ng sakuna ang iniisip mo 2022?… Kung iniisip niya Presidency, para sa akin walang handa sa presidency, Deo. Walang nakakaplano… Tingin ko iyong pagiging pangulo ay destiny. Kung nakatakda iyan sa iyo, mangyayari iyan. Pero nakita natin sa ating kasaysayan na napakarami na… apakaraming tao iyong nag-aspire for the presidency pero binibigay siya sa kung sino iyong nakatakda, kahit kay Presidente. Tingin ko hindi naman niya in-aspire ito dati,” boladas ni Robredo.

Magugunita na nagbanta si Pangulong Duterte kay Robredo kung sakali tumakbo ito sa pagkapangulo sa 2022. Ayon sa Presidente, may mga bala siyang ilalabas laban kay Robredo at ito ang magiging bangungot nito.

“I would like to just give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied making her incapable of truth. Alam mo ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo… While you were making calls, nagche-check ka pakunwari… Alam mo ‘yung mga military hindi ‘yan maniwala sa iyo because tama sila you are not in the line of authority basta ganun. Wala kang… Times of emergency, ako lang pati ang military. It’s between me and military pagka pulis. Iyan lang sila kami mag-ano… So huwag ka masyadong porma-porma, hindi mo talaga panahon. Hindi mo pa panahon. Not time to be making a grandstanding coming up with… Matagal na talaga akong maraming sabihin sa iyo pero ireserba ko na lang. When you start your campaign kung magtakbo ka ng presidente, waswasan kita nang husto. Well, this is your bad — this is your nightmare. Sabi ko pagka-incompetent mo and you were lying,” buwelta ng Pangulo Duterte.

Source: GMA News | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén