Lotto Result

“Nasa Senado Tunay na Laban” Ex-Otso Diretso Candidate to Pacquiao

Sa pagkapanalo ni Senador Manny Pacquiao laban kay Kurt “One-Time” Thurman, maraming Pilipino ang nagbunyi at natuwa sa panibagong karangalan na dinala ni Pacquiao sa bansa. Ilang personalidad din ang nag-post sa social media ng kanilang pagbati sa senador na boksingero at isa na dito ay si ex-solicitor General at natalong senatorial candidate ng Otso Diretso na si Florin Hilbay.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Hilbay na dapat tapatan ni Pacquiao ang performance niya sa senado sa galing nito sa boxing ring. Pinayuhan ni Hilbay si pacquiao na dumalo sa mas maraming senate session.

“I do hope you strive to become as good a statesman as you are a boxer. That means attending sessions in the Senate, preparing for & participating in debates, & championing the cause of equality & social justice. Nasa Senado yung tunay na laban,” sabi ni Hilbay.

Si Senator pacquiao ay kilalang ka-alyado ni Pangulong Duterte. Napaulat kamakailan lang na isa si Pacquiao sa madalang dumalo sa mga senado.

Hindi naman nagustuhan ng ilang kababayan natin ang sinabi ni Hilbay kay Senator Pacquiao.

“Absent din po kau sa senado,diba? Ooops sori po, talo pala kau,” sabi ni Twitter user @iam_ButlerKim.

“Meron din naman sa senado na lagi tulog. Parang kasama mo yata yun sa LP,” sabi ni Twitter user @jessie22102007.

“Mas marami ng nagawa si Manny sayo kalbo. wag mo syang digtahan desisyon ka kala mo kung sino ka animal,” sabi ni Twitter user @marsha1975_ remarked.

Magugunita na noong nakaraang taon ay sinabi ni Hilbay na hindi siya hanga sa pagiging pulitiko ni Pacquiao pero aprub sa kanya ang pagiging boksingero nito.

“Pwede namang ihiwalay ang paghanga kay Manny bilang boksingero sa paghusga sa kanya bilang tao o pulitiko. Maraming magaling na artista, atleta, o intelektwal na basurang tao o pulitiko. Di ako hanga kay Manny bilang pulitiko pero ibang klaseng boksingero talaga siya,” sabi ni Hilbay sa kanyang social media account noong 2018.

Source: Florin Hilbay’s Twitter | 2

Leave a Reply

Theme by Anders Norén