Local News

“Nasaan ang Matanda sa Malacañang? Tulog pa ba? Huwag Niyong Gisingin” – Baby Boy

Bumanat nitong mga nakalipas na araw ang mga kritiko laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa sitwasyon sa Bulkang Taal.

Hinahanap ng mga kritiko si Pangulong Duterte sa panahon ng kalamidad at gustong palabasin na walang ginagawa ang Presidente.

Isa na dito ay si Twitter user Justin Mondragon (@jjcdizon). Ayon kay Mondragon, huwag na raw gisingin si Pangulong Duterte kung natutulog ito.

“Asan na yung matanda sa Malacañang? We have a situation here: a situation of national concern. Tulog pa ba? If yes, huwag niyong gisingin, nakakahiya naman sa kanya,”

Inangalan din ng netizens ang hindi daw pagpapatawag ni Pangulong Duterte ng press conference.

“Where the hell is our President? Dapat kanina pa nagpatawag ng press conference yan. Hinahanap siya ng buong bansa and he needs to tell the public the steps that he will carry out regarding the situation. Kapag hindi yan nagpakita bago 12 midnight, itapon niyo siya sa Taal,” patutsada pa ni Mondragon.

Magugunita na sa isang social media post, sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na sumakay ng eroplano si Pangulong DUterte at tumuloy sa Manila kahit na may mga abo pa sa himapapawid na dulot ng Bulkang Taal. HIndi raw inalintana ni Pangulong Duterte ang panganib.

“He flew when all flight were cancelled because thae air is saturated with ash. I suggested to his staff not to but he is indifferent to risk,” sabi ni Foreign Affairs Secretary Locsin.

Nagbigay din si Pangulong Duterte ng direktiba sa mga kinauukulang ahensiya na tumugon sa kalamidad na dulot ng Buklkang Taal.

Source: Archived Twitter Post| Archived Twitter Post

Leave a Reply

Theme by Anders Norén