Local News

‘Nasaan ang plano para sa extended quarantine?’ Trillanes, Bumoladas!

Nakukulangan si former senator Antonio Trillanes sa deklarasyon na papalawigin pa hanggang Mayo 15 ang enhance community quarantine (ecq) sa ilang lugar sa Luzon.

Hinahanap ng dating senador ang plano ng pamahalaan para sa pinalawig na ecq.

“Seriously, where’s (the) detailed plan up to May 15 (and) post-ECQ (mass testing, more efficient welfare funds delivery, economic stimulus, etc)? More importantly, where’s the part where he’s supposed to inspire, allay fears (and) give people hope?” boladas ni Trillanes.

Ginawa ni Trillanes ang patutsada na ito matapos ang public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa quarantine extension sa ilang lugar.

Magugunita na sa nasabing public address ni Pangulong Duterte ay niresbakan nito si former senator Trillanes. Nakarating kasi sa kaalaman ng Pangulo ang banta ni Trillanes na babatukan daw siya. Resbak naman ng Presidente ay ipapasampal niya daw ang dating senador sa kanyang driver. Kinutya din ni Pangulong Duterte ang mga palpak na kudetang ginawa ni Trillanes noong nagrebelde ito laban sa pamahalaan ni former president Gloria Macapagal-Arroyo.

“Isa pang itong walang alam na ugok ito si Trillanes. Nagsasalita ng trillion-trillion. Trillion na hangin. Trillion of cubic meters of air in your head and it is too tight that is why para kang buang nagsasalita ka ng trillion… Kaya ikaw ‘yung… P***** i** pa-rebelde-rebelde ka pa diyan. Hindi ka pala marunong eh. Kita mo kung nanalo kayo, ano ang mangyari sa Pilipinas? Puro porma, puro hambog, puro hamon,”

“At batukan — batukan mo raw ako? Sabihin ko sa driver ko, sampalin ka. Ang driver ko lang ang utusan ka kay andiyan ka lang. Ang tingin ko sa iyo ka-level mo driver. Ulol,” buwelta pa ni Pangulong Duterte.

Ang mga lugar na isinalilaim ni Pangulong Duterte sa extended quarantine ay ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at iba pang “high-risk” areas sa Luzon.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén