Local News

‘Nasaan ang Puso niyo?’ Kim Chiu, Binanatan ang Gobyerno sa ABS-CBN Shutdown!

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, inilbas ni ABS-CBN actress Kim Chiu ang kanyang galit sa ginawa ng gobyerno laban sa ABS-CBN.

Magugunita na nitong May 5 ay nagpalabas ng direktiba ang National Telecommunication Commission (NTC) para pahintuin ang ABS-CBN sa broadcasting.

Kinuwestiyon ni Chiu ang naging hkabang ng gobyerno sa kanyang network. Partikular na tinukoy niya ay sina Solicitor General Jose Calida at ang NTC.

“Sa lahat ng namumuno ng NTC??? Bakit!!!?” she wondered. “WALANG NILABAG NA BATAS ang [ABS-CBN]. Anong nangyari sa oath nyo nung [March] 2020?! Nakalimutan nyo na? Kay SolGen Calida, nasaan PO ang puso nyo?! PO?! Or should I say may puso pa ba kayo?” bolads ni Chiu.

Ayon sa aktress, hindi daw ito ang panahon para itikom ang bibig.

“HINDI SAPAT ANG MANAHIMIK SA SITWASYON NGAYON!!!!!!… Sa gitna ng pinagdadaanan ng lahat ng Pilipino ngayon ETO TALAGA ang ibibigay nyo sa amin???!!! Sa panahon na walang kasiguraduhan ang buhay ng bawat tao??! Sa panahon na hindi handa ang lahat sa epidemyang kinakaharap natin ngayon! Sa panahong maraming nawalan ng trabaho?… Sa panahong TAKOT ang nararamdaman ng karamihan! ETO TALAGA ANG IBIBIGAY NYO?! Ang cease and desist order sa [ABS-CBN] ng walang kalaban-laban??? “ patutsada pa ni Chiu.

Kinuwesityon din ni Chiu ang timing ng paglalabas ng desisyon laban sa kanyang network.

“BAKIT SA gitna ng panahon na wala kaming magawa para sa aming tahanan na noon pa man ay siyang tumulong sa akin, sa amin at sa lahat ng tao na nangangailangan… Nasaan ang PUSO AT MALASAKIT??? Nasaan ang pagiging PILIPINO?! Nasaan ang pagkakaisa?!!! [Pag-unawa]?!! PAGTUTULUNGAN???!!!… Ang dami nang nahihirapan sa sitwasyon ngayon. Pag nalift na ang quarantine maraming pamilya [pa rin] ang magugutom… Para nyo kaming tinapakan at dinuraan ng paulit-ulit. Sa panahon ng ECQ nyo pa talaga ginawa to! Para kang sinaksak sa likod ng taong tinuring mong ‘KAPAMILYA’,
saad pa ng Kapamilya Actress.

Source: Inquirer | Kim Chiu

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: