Local News

NasaPusoKoAngPangulo Hashtag, Trending! Mga Pilipino, Ipinakita ang Suporta kay Pangulong Duterte!

Kung sa mga nagdaang araw ay pinaandar ng mga kritiko ng gobyerno ang hashtag na #NasaanAngPangulo upang siraan ang ginagawang pagtulong ng pamahalaan sa mga kababayan nating apektado ng mga bagyo, ngayon ay ipinakita ng mga kababayan natin ang kanilang pagpapahalaga sa mga ginagawa ng Duterte Administration.

Magugunita na sinabi ni Presidential Sookesperson Harry Roque na kalokohan lang ng oposisyon ang paandar na #NasaanANgPangulo.

“Hindi na dapat tanungin ang Nasaan ang Pangulo? ‘Yan ay kalokohan lang ng oposisyon. Ang Presidente ay hindi nawawala.

Oposisyon, itigil niyo na iyan. Dahil kung ikukumpara ‘yung mga casualties sa nakaraang administrasyon sa casualties ngayon, eh maliit ang casualies natin,” banat ni Roque.

Ayon sa PTV News, naging top trending naman ang hashTag na #NasaPusoKoAngPangulo sa Twitter habang nagbibigay ng public address ang Punong Ehekutibo.

“Despite the relentless and absurd posts and comments by some individuals and groups on social media regarding the President’s supposed absence throughout the onslaught of Typhoon Ulysses, we thank the public for the continued support they have shown on social media… As a proof of this support, #NasaPusoKoAngPangulo trended number 1 last night on Twitter as President Duterte explained to the public his actions and responses throughout the consecutive typhoons and amidst the pandemic,” sabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

Nanawagan si Andanar sa mga Pilipino na maging mapagmatiyag sa mga maling impormasyon na ikinakalat ng mga kritiko ng administrasyon.

“We ask everyone to remain vigilant against misinformation, and be reminded of the division that its proliferation can cause… Rest assured the Duterte administration continues to respond to the calamities that affect us all and to the needs of Filipinos in general,” dagdag pa ni Andanar.

Source: PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén