Local News

‘Nasisira na ulo niyo!’ Ben Tulfo, Binanatan ni Billy Jack Sanchez!

Matapos banatan si Erwin Tulfo, ibinaling naman ni Billy Jack Sanchez ang atensyon niya sa kapatid ni Erwin na si Ben Tulfo. Hindi nagustuhan ni Sanchez ang mga naging komento sa kaniya ni Ben dahil sa mga sinabi niya kay Erwin. Para kay Sanchez, nag-aastang diyos daw ang mga Tulfo at nasisiraan na ng mga ulo.

“You guys are good in manipulation and using government on selfish purposes… Please don’t pollute the mind of the people. Don’t play like a God because you are not. Don’t feel that you are invulnerable of criticism. Sinasabi niyong tinga ako. Well, let me tell you something, eh kung alikabok nga nakakapuwing, at kung si David nga tinalo si Goliath, eh ano tingin mo sa akin?… Sino pa ang magssalita nito sa harap niyo at ipapa-realize sa mga nasisira niyong ulo na kayo ay diyos-diyosan sa programa niyo. Hindi ata tama iyon,” sabi ni Sanchez.

Ang buwelta na ito ni Sanchez kay Ben ay umani na ng lagpas 20,000 na reaksyon at habang isinusulat ang blog post na ito ay naibahagi na rin ng lagpas 2,000 beses.

Si Sanchez ay sumikat kamakailan sa social media dahil sa viral video kung saan makikita siyang naikipag-away sa traffic enforcer at nag-i-ingles. Ang insidenteng kinasangkutan ni Sanchez ay tinalakay ni Erwin sa kaniyang programa. Sa nasabing programa, ipinakita ang isang video kung saan hinuhuli naman ng otoridad si Sanchez.

Source: Billy Jack Sanchez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén