Local News

‘Natakot ba kayo sa Presensiya ng Militar? I-message niyo ako!’ ABS-CBN Reporter, Binatikos ng mga Netizens!

Nakatikim ng samu’t-saring batikos ang ABS-CBN reporter na si Chiara Zambrano mula sa mga netizens dahil sa paraan ng pagtatanong niya sa kanyang social media post. Sa nasabing Facebook post, tinanong ni Zambrano ang mga kababayan natin kung nakaranas daw ba ang mga ito ng takot o gulat sa presensiya ng mga sundalo.

“Mga kapatid, mayron ba kayong karanasan sa komunidad niyo kung saan natakot o nagulat kayo sa bagong presenya ng pulis o militar? I-message niyo po ako para makuha ko ang panig niyo, at maitanong din natin sa mga otoridad kung ano ang patakaran na pinaiiral dito,” sabi ni Zambrano.

Hindi nagustuhan ng ilang kababayan natin ang paraan ng pagtatanong ni Zambrano dahil tila may gustong palabasin ang naturang reporter.

“What kind of a question is that? At these drastic times, support to our frontliners is what we need. We do not want to find fault in them. The feedback on your post shows that you were thinking negatively. There should have been nothing to worry about. You are causing strife,” sabi ni I. Ciao.

“What is the purpose of this? Cops came in at a particular condo with a pool. While nobody was in the pool, the cops were whisking everyone out of the outdoor common areas. The point is to stay home and that means inside their respective units. The cops were enforcing ECQ rules and then here comes some snowflakes who feel offended that they can’t stay outdoors anymore and they got yelled at by the cops,” sabi ni H. Tan.

” Chiara Zambrano ayan andaming sumagot na meet mo ba yung expectations mo? I hope ang irereport mo eh MARAMING NATUTUWA sa pinapakitang kagitingan ng ating kasundaluhan at kapulisan para sa kaligtasan ng mamayang Filipino sa nakamamatay na COVID19. YAN KASI ANG TUTOO DI BA?,” sabi ni M. TP.

Source: ABS-CBN’s Chiara Zambrano

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: