Local News

Nauwi sa Barilan! Van na may kargang Kahon-Kahon ng Alak, Naharang!

May naganap na barilan sa may C-5 area ng Quezon City ngayong Martes matapos umiwas sa checkpoint ang isang van na may dalang kahon-kahon ng mga nakalalasing na mga inumin.

Kinumpirma ng kapulisan ang pagkakasawi ng driver ng van na napag-alaman na dating pulis. Nakatalaga daw ito dati sa Philippine National Police (PNP) Regional Personnel Holding and Accounting Unit.

Ang kasama ng nasawing driver ay naaresto naman. Natuklasan na anak pala ito ng ex-pulis/van driver at nag-aaral umano ng criminology.

Source: Daily Tribune | PNP Photos

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: