Local News

Negosyante, Nalugi umano ng P100 Million dahil sa Libelous Article ng Rappler ayon sa Journalist!

Habang pinalalabas ng Rappler na kaya inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang boss na si Maria Ressa ay dahil ginigipit sila ng gobyerno, nagiging malinaw naman sa ilang kababayan natin ang tunay na dahilan kung bakit pinananagot ng batas si Ressa. Ayon sa ilang ulat, nang-ugat ang cyber libel case ni Ressa sa isang artikulo ng Rappler na may pamagat na “CJ Using SUVs of Controversial Businessman” noong 2012 (Aquino Administration era) kung saan naiugnay ng Rappler ang negosyanteng si Mr. Wilfredo Keng sa drug smuggling at human trafficking. Naisulat din ng Rappler na pinahihiram umano ni Keng ang kanyang sasakyan sa dating Chief Justice Renato Corona..

Hindi lang pala dito natapos ang kalbaryo ni Keng. Sa artikulo ng Manila Times columnist na si Rigoberto Tiglao, napag-alaman ni Tiglao na nalugi din umano si Mr. Keng ng mahigit P100 million dahil sa isinulat ng Rappler. Nagmukha daw kasing laban siya sa Aquino Government dahil lumalabas na sinusuportahan umano nito si Corona na dumadaan sa impeachment trial noong mga panahong iyon. Ang mga dapat na magiging kasosyo ni Mr. Keng sa negosyo ay umatras.

“I was told that Keng, the businessman who filed the charges, was reportedly so angry at Rappler, since it refused to admit its lies and take down the article from the internet. This is because, after the publication of the article, Keng lost business worth more than a P100 million, as the article practically identified him as against the Aquino administration because of his alleged support of Corona. His would-be partners got spooked by this and backed off from their planned deals,” rebelasyon ni Tiglao.

Sa pahayag ni Mr. Keng tungkol sa pagkaka-aresto kay Ressa, sinabi ng negosyante na hindi kinuha ng Rappler ang kanyang panig. Nakipag-usap din daw siya sa Rappler na tanggalin ang artikulo. Nangako daw ang Rappler na tatanggalin ang artikulo pero hindi daw ginawa ng news site.

“Rappler, Ressa, and Santos never attempted to obtain my side on the crimes they wrongly imputed to me or to fact-check their baseless attacks against my name… In turn, Rappler, likewise through formal and informal channels, repeatedly promised me that they will take down the subject article, but never did. The libelous attacks remain posted on their website until now,” sabi ni Mr. Keng.

Source: MT | MB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén