Local News

Panoorin: ‘Next President Dapat may Tunay na Malasakit!’ Pacquiao, Sinagot na ang 2022 Presidential Elections!

Source: News5

Nagsalita na ang boksingerong senador na si Manny Pacquiao tungkol sa 2022 presidential elections. Ayon kay Pacquiao, hinahangad daw niya na ang susunod na mamumuno sa bansa ay may malasakit at pagmamahal sa mga Pilipino.

“Ang pagiging presidente ay destiny na kaloob ng panginoon. Marami na ang nangarap, marami na rin ang nabigo. Hangad ko sa susunod na magiging presidente ay may tunay na malasakit, tunay na pagmamahal sa mamamayang Pilipino,” sabi ni Pacquiao.

Hinikayat din ni Pacquiao na itigil ang pamumulitika.

“Tigilan na natin ang kulay politika. Walang ng dilaw, pula, orange o anu pa man. Maawa naman tayo sa sambayanang Pilipino,” dagdag pa ni Pacquiao.

Naging laman ng balita si Pacquiao kamakailan lang matapos nito almahan ang resolusyon ng mga kapartido niya na hikayatin si pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo bilang bise presidente. Inakusahan din ni Pacquiao ang isa sa mga gabinete ni Pangulong Duterte na may pakana ng resolusyon.

“Hindi legitimate ‘yung resolution na ginawa. Nalaman ko lang ‘yun dahil sinabi sa’kin ng tao ko… Hindi ko alam ‘yun. Hindi ‘yun sanctioned as acting president ng partido… Aaksyunan namin ‘yang mga ganiyan na hindi sumusunod sa partido… Si Cusi, hindi ako nakikipag-away sa iyo pero hindi ako ang pwede mo lang laruin… Kung umiikot ka, pulitika pinag-uusapan mo, ‘wag mong lasunin ang mga utak ng mga miyembro ng partido para magkahiwa-hiwalay. Warning lang ito,” boladas ni Pacquiao.

Kahapon lang ay isiniwalat ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na may balak si Pacquiao na tumakbo sa 2022 presidential elections.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén