Local News

“Noong kumalat ang SARS virus, pina-clinic lang kami!” Former ABS-CBN Reporter, Tumestigo sa Kongreso!

TUmestigo sa House of Representative ang dating reporter ng ABS-CBN na si Weng Hidalgo para ibinunyag ang kanyang naranasan habang nagtatrabaho sa Kapamilya network. Isa sa ibinahagi ni Hidalgo ang nangyari habang nagko-cover siya noong panahon na may Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) virus.

“Noong panahon na kumakalat ang SARS virus, nagko-cover po ako, nag-i-interview ng mga pamilya ng pasyente. Pumupunta kami ng mga crew ko saan may ospital kung saan may exposure ng SARS at Meningococcemia. Noong nabalitaan namin na may quarantine para sa mga reporter na nagko-cover doon, tinanong ko ang supervisor namin, ‘may quarantine daw po?’, kasi hindi po namin alam kung kami ay infected o hindi. Ang sabi sa akin, ‘eh para sa regular employees lang ‘yun. Pumunta ka na lang sa clinic magpa check-up ka’ Hindi ko makakalimutan ang bagay na yun. Kasi yung regular na Reporter, ang kino-cover niya presscon lang sa DOH pero kaming nakikipag-deal sa pamilya ng may sakit, pumunta na lang daw sa clinic,” sabi ni Hidalgo.

Isa lang si Hidalgo sa mga empleyadong nagreklamo laban sa ABS_CBN. Magugunita na nagsalita rin kamakailan ang dating cameraman ng ABS-CBN na si Journalie Payunan ukol sa trato ng Kapamilya network sa mga maliliit na production staff tulad niya.

“Magpapasko po iyon noong tinanggal kami sa trabaho. So sabi nga ni Gabby Lopez (ABS-CBN boss) sa chat with the Chairman, ‘Pag hindi kayo pumirma dito, asahan niyo na wala na kayong trabaho’. Ang masakit pa ho nito, ang iba kasamahan namin ay pinatawag sa 4 na hotel, pinakain ng masarap, may security guard, para lang sabihin na wala ka ng trabaho. ‘Yung iba halos mabaliw kasi akala nila promotion,” sabi ng dating cameraman ng ABS-CBN.

Ang ABS-CBN ay nahaharap ngayon sa masalimuot na isyu ng kanilang pasong prangkisa at umaapela sa kongreso na mabigyan muli sila ng prangkisa.

Source: Congress via FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: