Local News

‘Noong may ABS-CBN Franchise, Lagpas 6,000 ang Namatay sa Bagyong Yolanda!’ Opinyon ng Abogado tungkol sa Kapamilya Network

Kung may ilang personalidad na may boladas na kaya hindi raw nakapaghanda ng maaga ang mga lugar na tinamaan ng Bagyong Ulysses ay dahil sa pagkawala ng ABS-CBN Regional Networks, iba naman ang pananaw ng abogado na si Atty. Darwin Cañete.

Para kay Atty. Cañete, noong mayroong prangkisa ang Kapamilya network ay pumalo sa lagpas 6,000 ang nasawi dahil sa Bagyong Yolanda. Kinumpara niya ito sa naging tugon ng pamahalaan sa Bagyong Ulysses.


“With an ABS CBN franchise, over 6,000 died with Typhoon Yolanda. Without the ABS CBN franchise, casualties went dramatically down during Typhoon Ulysses by comparison. Not reaching 100 so far. The numbers don’t lie. Removing the franchise was definitely an improvement. 😅 😅”
sabi ni Atty. Cañete.

Halos parehas dina ng opinyon ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza.

“Tunay na nakakamis iyong pagkawala ng Kapamilya Network sa panahon ng kalamidad.

Noong nandiyan pa ang abs-cbn tulad ng YolandaPH, kung gaano kalawak ang kailang network siya rin kalawak ang inabot ng pinsala ng bagyo kaya namatay ang halos 10k at missing iyong 20k.

Kung gaano kalaki ang nakalap na donation ng network at ng gobyerno, siya rin laki ng pinambili ng sariling stocks ng abs-cbn foundation sa abs-cbn broadcasting corporation, at siya rin laki ng kinulimbat ng Aquino administration.

Tunay na nakakamis talaga.” banat naman ni Sonza.

Magugunita na sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang pagpapasara sa ABS-CBN ang dahilan kung kaya nagdurusa ang mga residente ng Cagayan na apektado ng Bagyong Ulysses.

“It is important kasi, during crisis situations, iyong effective communication. Lalo na ngayon, wala na iyong regional network ng ABS-CBN na nasa malalayong lugar. Halimbawa sa amin sa Bicol, gaya sa Tuguegarao. Iyon ang inaasahan ng locals na naging source ng information, nawala iyon,” boladas ni Leni.

Source: Atty. Darwin Cañete | Jay Sonza | Inquirer | Archive | Presidential Communication | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén