Local News

‘Noong Tinadtad ng NPA si Datu Bucales, Wala kang Boladas!’ Gen. Parlade, Sinupalpal si Ex-Bayan Muna Congressman Casiño.

Sa kasagsagan ng isyu tungkol sa pulis na namaril ng mag-ina sa Paniqui, Tarlac, agad sinakyan ng mga personalidad mula sa makakaliwa ang sitwasyon upang siraan ang pambansang kapulisan. Isa na dito ay si former Bayan Muna Congressman Teddy Casiño.

“If an ordinary cop can shoot ordinary civilians, who had nothing nothing wrong, in broad daylight in front of his daughter and man witnesses, imagine what they do in the dead of night, with no witnesses, to ordinary civilians tagged as enemies of state?” boladas ni Casiño.

Ang patutsada na ito ni Casiño laban sa mga alagad ng batas ay agad binutata ni Lt. Gen. Antonio Parlade. Resbak ni Parlade, bumoboladas ngayon si Casiño dahil pulis ang sangkot pero noong New People’s Army (NPA) ang gumagawa ng lagim ay nakabusal ang bibig nito.

“Nang tinadtad ng bala si Datu Jumar Bucales ng on-duty na NPA wala kang masabi @teddycasino. Nang dinapaan ng isang pulis ang granada na hinagis ng terorista, upang maisalba mga batang estudyante, wala ka ring masabi. Ngayon sa isang gagong off-duty na pulis may masabi ka? C’mon,” buwelta ni Gen. Parlade.

Si Datu Bucales ay dating NPA na tumiwalag sa kilusan upang magbalik-loob sa gobyerno. Isiniwalat ni Bucales kung paano pinagsamantalahan ng mga rebeldeng komunista ang mga lumad. Sa loob ng 2016-2018 ay tatlong beses tinambangan si Bucales ng mga rebeldeng NPA pero nitong Oktubre 2020 lamang siya napaslang ng mga terorista.

Bukod sa pamamaslang, ang NPA ay sangkot din sa pangingikil sa kanayunan. Ayon sa dating NPA cadre na si Jeffrey Celis aka Ka Eric, maging ang mga malalaking telecommunication companies tulad ng Globe at Smart ay hindi nakakaligtas sa pangongotong ng mga rebeldeng komunista. At ang perang nakukulimbat ng mga ito ay aabot sa daang-milyon.

Source: Manila Bulletin | Lt. Gen. Parlade

Leave a Reply

Theme by Anders Norén