Local News

Mga Sundalo ng North at South Korea, Nagbarilan!

Nagkapalitan ng putok ang North at South Korea ngayong Linggo, ayon sa opisyal ng militar ng S. Korea. Pinaulanan daw ng bala ng N. Korea ang isa sa mga guard post at dito na gumanti ng putok ang S. Korea.

Wala namang nasugatan sa S. Korea habang hindi pa alam ang estado sa kabilang panig.

Nangyari ang insidente matapos muling lumabas sa publiko si N. Korean leader Kim Jong Un na 20 araw nang hindi nakikita sa media. Naging usap-usapan ang hindi magandang kondisyon ng kalusugan ng lider.

Nitong Biernes lang ay dumalo si Kim sa seremonya ng pagkakakkumpleto ng fertilizer factory malapit sa Pyongyang. Ipinakita ng Korean Central News Agency, na nakangiti si Kim habang nililibot ang pasilidad.

Magugunita na noong 2018 ay tinanggal na ng 2 korea ang kanilang mga front-line guard posts at mines sa Demilitarized Zone (DMZ), isang 248-kilometer (155-mile) -long, 4-kilometer (2.5-mile) – wide border na naghihiwalay sa South at North Korea.

Ginawa ito ng dalawang bansa para pahupain ang tensyon sa pagitan nila pero naudlot ang peace effort nang hingin ng Estados Unidos na ‘wag na ipagpatuloy ng North Korea ang nuclear program nito kapalit ng pagbawi sa mga economic sanction na pinataw sa kanilang bansa.

Source: ABC News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: