Local News

Noynoy, Binatikos ang Paraan ni DU30 sa Paglaban sa Korapsyon!

Sa ekslusibong panayam ng Eagle News kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, pinuna ni Noynoy ang paraan ng paglaban ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa katiwalian sa gobyerno.

“Nagtatanong yung iba. Tinanggal mo kasi nawalan ka na ng tiwala tapos ipupuesto mo sa ibang lugar? May ibang instances pa hindi sya ok dito, tapos ilalagay mo sa mas mataas na puwesto,” banat ni Noynoy.

Inihambing din ni Aquino ang kanyang pamamaraan sa paglaban sa korapsyon sa pamahalaan. Ayon kay Noynoy, nabibigyan ng due process ang mga naakusahan.

“Nung panahon ko kasi, parati kong pinapaalala kay Leila, at sa ating mga law enforcement agencies, pero pangunahin lay Laila, hindi natin ambisyon na magkaso lang sa isang tao. Kung meron talagang ginawang kasalanan, number 1, meron dapat due process. Dapat imbestigahan nang tama,” ani Noynoy.

Ayon kay Noynoy, magulo daw ang mensaheng ipinararating ng kasalukuyang gobyerno tungkol sa kampanya kontra-korapsyon.

“Siguro nakakagulo sa mensahe, kung sisibakin tapos ipupuesto uli. Sa akin ganun e… Simple lang ang mundo ko e, may tiwala ako o wala. Hindi puedeng… mahirap yata yung may tiwala ako sa iyo dito, pero wala akong tiwala sa iyo dyan… Pati ikaw maguguluhan ka na, itong mga taong ito saan ko ba puedeng ipuesto ang mga ito? Baka dito puede, dito hindi ko puedeng ilagay. Parang nagpapahirap ka yata ng buhay nun ,” dagdag pa ng dating Pangulo.

Paliwanag pa ni Noynoy, masasabi daw na nagtagumpay ang kampanya kontra sa korapsyon kung may naipakulong. Naglabas din si Noynoy ng hinaing patungkol sa kabagalan ng justice system sa Pilipinas.

Wala din daw silbi ang pagpapahiya sa isang indibiduwal sa harap ng publiko.

“Simpleng simple lang. Walang silbi kung ipapahiya mo ito sa araw na ito, pero may silbi na kapag may ginawa kang mali ay garantisado makukulong ka. Yung ang hinabol natin ,” boladas pa ni Noynoy.

Source: Eagle News

Leave a Reply