Local News

NPA, Bumubuo na ng Hit Squad para Mag Operate sa mga Syudad!

Kinumpirma ng opisyal ng Communist Party of the Philippines Central Committee na si Marco Valbuena na bumubuo na daw ng mga hit squad ang New People’s Army na magsasagawa ng operasyon sa kalungsuran.

“There is a standing order for the NPA to form partisan teams to mete out punishment against enemy units and officers who have committed bloody crimes against the people… in due time, the NPA will be able to form more partisan teams who can carry out punitive actions in the cities or close to the cities,” boladas ni Valbuena.

Hindi naman nagpatinag si Army Officer Colonel Harold Cabunoc sa boladas ng mga rebeldeng komunista. Ayon sa opisyal ng kasundaluhan, mananagot ang pamunuan ng CPP. Hindi lang daw ang NPA ang may kakayahang gumamit ng karahasan dahil maaring gumanti ang mga kaanak ng mga bibiktimahin ng mga ito.

“NANANAKOT NG SPARU HIT SQUADS

Aba, nananakot ang CPP-NPA-NDF na manglilikida na naman sa urban centers. Ang tanging puhunan nila dito ay anonymity ng karamihan ng mga murder agents. Ang problema naman nila ay kilalang-kilala ng taumbayan kung sino ang mga senior cadre ng Communist Party of the Philippines na kunwari mga anghel sa mga syudad.

Under sa principle of command responsibility, mananagot ang CPP cadres kung ano ipinagawang kabulastugan sa NPA. Alam nang lahat na CPP cadres ang namumuno sa mga support organizations ng kommunist terrorist group.

Kung maunang manglikida ang mga komunistang terorista, baka babawi ang mga kamag-anak ng sundalo, pulis, at mga opisyal ng gobyerno na papatayin nila.

Ika pa nga ay, “Nobody has the monopoly of violence”, kaya sa hanay ng pwersa ng estado ay pinapatupad ang rule of law. Bawal sa amin ang short cuts sa operations pero ang mga kaanak naming sibilyan ay may kakayahan ding bumawi sa mga nagbabalak ng madugong patayan.

Isip-isip muna, mga CPP cadre!” banat ni Cabunoc.

Source: Philstar | Harold Cabunoc

Leave a Reply

Theme by Anders Norén