Local News

NPA / Dating UP Student, Sugatan sa Engkwentro Laban sa Militar!

Sugatan sa sagupaan ang dating aktibista at ngayo’y miyembro ng New People’s Army (NPA) na si Redsa Balatan, 33-anyos. Nangyari ang bakbakan sa Purok Buldozer, Barangay Estrella, Rizal, Nueva Ecija. Si Balatan ay dating estudyante ng University of the Philippines-Extension Program sa Pampanga (UPDEPP).

Kasamang nasugatan ni Balatan sa engkwentro ang mga kapwa niya NPA na sina Liezel Labo, alyas “Nido”; Carlos Aguilar, alyas “Badong”; Danilo Sagun, ng Brgy. Estrella, Rizal NE. Todas naman ang dalawa nitong kasamahan na sina Michael Pagkaliwanagan, alyas Allan Ledesma at isang alyas Miguel.

Si Balatan ay may mga alias na Lea/Sinin/Julia. Isa rin siyang political instructor ng Kilusang Larangang Guerilla Sierra Madre na nagsasagawa ng operasyon sa Northern Nueva Ecija at ilang parte ng Aurora.

Ayon sa ilang ulat, nakatanggap ng sumbong ang 84th Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt Justin Paul Chavez mula sa mga residente na may nangingikil na mga armadong grupo. Ito ay agad nirespondihan ng mga kasundaluhan at nasagupa ang mga rebelde. Tumagal ng halos 15 minuto ang bakbakan ng dalawang panig.

Base sa ulat ng Philstar, narekober ng militar ang 2 M16 rifle, 3 cal. 45, 15 long magazine ng M16, 1 granada, mga cellphone at sim cards, USB, 1 Samsung tablet, 2 handheld radio, at mga subersibong dokumento.

Si Balatan ay asawa ni Gerald “Geary” Salonga na natodas noong Setyembre 2, 2018 sa Brgy. Villa, Maria, Aurora Province. Parehas silang mga dating estudyante UPDEPP.

Ayon sa kasundaluhan, ang mga nakuhang ebidensiya sa engkwentro ay nagpapatotoo lamang sa kaugnayan ng mga leftist legal fronts at ng NPA.

“This is solid evidence of the connection between legal fronts and the NPA… They organize from the schools through groups like Kabataan, Anakbayan, LFS [League of Filipino Students] and the others in order to facilitate recruitment to the NPA,” sabi ni Lt. Col. Honorato Pascual Jr., commander of 84th Infantry Battalion.

Source: Philippine News Agency | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén