Local News

NPA High-Ranking Leader, Nahuli sa kanyang Condominium Unit!

Nabitag ng mga otoridad ang isang high-ranking leader ng central committee ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kanyang condominium unit sa Quezon City nitong Lunes. Nangyare ang pag-aresto bandang 1:50 ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Esterlita Suaybaguio, kalihim ng Metro Manila Regional Party Committee (MMRPC) ng CPP-NPA. Naaresto ang NPA leader sa pamamagitan ng search warrant operation para sa illegal possession of firearms.

Si Suaybaguio ay dating propesor sa Tagum City, Davao del Norte. Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), pinili daw ito ng CPP’s Central Committee para simulan at pamunuan ang pagpapanumbalik ng komunismo sa Metro Manila.

Nahaharap ang suspek sa kasong multiple murder. Isa sa mga murder case na kinakarap ni Suaybaguio ay ang pagpaslang kay Patrolman Ronald U. Napalan Jr. sa Sitio Lobo, Brgy. Mahaba, Cabadbaran City nito lang Hunyo 29.

Ilan sa mga nakumpiska ng mga otoridad sa operasyon ay isang 9mm pistol with SN JPS 101866, isang magazine assembly with seven rounds of ammunition; isang granda at mga subersibong doukmento.

Nagpasalamat naman ang mga alagad ng batas sa mga tumulong para maaresto ang suspek.

“Pasalamat tayo dahil mayroon tayong mga kababayan na may lakas ng loob na magsuplong sa awtoridad nitong impormasyon na naging dahilan para tayo ay mag-apply ng Search Warrant. Hindi matatawaran ang papel ng ating mga kababayan sa pagsugpo sa lahat ng uri ng kriminalidad at terorismo sa ating bansa,” sabi ni NCRPO director, Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Pinuri naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ginawang operasyon ng kasundaluhan at
kapulisan para mahuli ang isa sa mga lider ng komunista.

“Congratulations to the PNP and AFP for the arrest of Esterlita Espinosa Suaybaguio, the new secretary of the CPP-NPA for Metro Manila. This is a major victory for the government and the Filipino people,” ani DILG Secretary Eduardo M. Año.

Source: PNA | DZBB Super Radyo | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén