Local News

NPA, Nakakahuthot ng 1 Bilyon kada Taon dahil sa Extortion at Harassment – Dept of Defense

Ibinunyag ni Department of Defense Secretary Delfin Lorenza na nakakakumlimbatg ng 1 bilyong piso kada taon ang mga New People’s Army (NPA) sa pamamagitan ng pananakot at pangingikil. Ang impormasyon na ito ay galing umano sa intelligence community.

Ipinaliwanag din ni Lorenzana ang dahilan kung bakit nagkukuta ang karamihan ng NPA sa Mindanao.

“Most of the mining, huge banana plantations are in western Mindanao. Add the telecommunications companies and the government projects being done by private contractors and the amount extorted is huge. That is the main source of their financing,” sabi ni Sec. Lorenzana.

Ang mga sinabi ni Lorenzna ay halos tumutugma sa tono ng mga naging pagbubunyag ni Jefrey “Ka Eric” Celis, ang dating miyembro ng NPA na tumestigo kamakailan sa senete hearing ukol sa red-tagging. Matatandaang sinabi ni Celis na nakikikilan ng mga rebeldeng komunita ang mga telecomunication companies. Ang halaga daw na nakukuha ng mga NPA mula sa mga telco ay aabot daw sa 400 million.

“Ang message ko lang is very clear. Magandang pagkakataon ito upang mag-unite ang buong bayan, ang gobyerno, ang senado, ang kongreso, ang executive and even the judiciary for us to stand against the CPA-NPA-NDF. From a perspective of a former a cadre, ano ang kapabilidad ng CPP-NPA-NDF? They can not overthrow the government but they can make Smart and Globe pay 200 million and more every year, combined. Is that not a threat? They can make 300 to 400 million from the NGO racket and they can make triple A contractor,” pagbubunyag ni Ka Eric.

Noong ikalawang hearing ukol sa red-tagging ay dumalo ang ilang miyembro ng Makabayan Bloc at mga personalidad sa hanay ng makakaliwa. Sa naturang pagdinig, sinabi ni former Bayan Muna Representative Teddy Casiño na hindi nila itinuturing na kalaban ang NPA.

“Hindi ho masasamang tao ang mga ito. Sila po ay kapwa Pilipino na nagnanais ng pagbabago… Sa halip po na kundinahin sila at ang kanilang pakikibaka, hindi ba mas mabuti na pakitunguhan o i-engage natin sila para sa paglutas sa suliranin ng ating bayan… Kaya napaka-importante sa amin ang peace talks…Bakit nga ba nagiging NPA ang ibang aktibista? Ito po ang simpleng sagot: Nasi nilang lunasan ang mga problema at hinaing ng ating mamamayan at marahil hindi na sila nasasapatan sa kayang ibigay ng ksalukuyang sistema,” boladas ni Casiño.

Source: INQ | Senate Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: