Local News

NPA, Iniwan ang Anak na Sanggol para Tumakas!

Ibinahagi ni 79th Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Gerard Alvaran ang ginawang pag-abanduna ng isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kaniyang 2-buwang anak upang makatakas sa mga sundalo na nagsasagawa ng pagpa-patrolya. Nagtungo ang mga tropa ng gobyerno sa acienda Ambulog, Barangay San Fernando matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong mga rebeldeng komunista sa lugar

Kinilala ang amasona na si “Ka Jandy”. at kasama din daw nito ang isang nangngangalang “Ka Moneth”.

“We are saddened that the two-month-old baby was abandoned by her mother because of a senseless cause. “Ka Jandy” had a choice, but she chose to leave her child go against the government,” sabi ni Lt. Col. Alvaran.

Nakumpiska ng mga sundalo ang ilang subersibong dokumento na mayroong high intelligence value, medical supplies, birth control pills, damit ng bata, feeding bottles, disposable diapers, and other baby stuff, as well as food items such as rice, canned goods, at instant noodles.

Ang inabandunang sanggol ay nai turned over na ng kasundaluhan at kapulisan sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office.

Nagpasalamat naman si Lt. Col. Alvaran sa mga residenteng nagbigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga rebeldeng komunista.

“Your continuous support by way of relaying information (to us) contributes a lot in our fight against insurgency… The government is willing to help them start anew,” ani Alvaran.

Source: PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén