Local News

‘NPA’ Legal Fronts, Bantang Ipapapatay ang mga Judges na Humahawak ng Kaso laban sa Kanila – Army Official

Binunyag ni Major General Antonio Parlade, Jr. na ginigipit at tinatakot umano ng mga legal fronts ng New People’s Army (NPA), Makabayan Bloc, ang mga hukom at mga piskal na humahawak ng kaso na may kaugnayan sa communist rebellion. Ginagawa daw ito ng mga legal fronts para mapuwersa ang mga hukom na magdesisyon pabor sa mga makakaliwa.

“These communist front groups have been harassing and threatening not only judges of the courts but also fiscals and state prosecutors in the past. These Kamatayan (Makabayan) bloc uses their armed goons, the NPA (New People’s Army) to threaten the families of fiscals and judges with death if only to force them to decide in favor of arrested CTGs (communist terrorist groups). This is why they are called terrorists for terrorizing people who stand in their way?” sabi ni Parlade.

Para kay Parlade, tapos na ang ginagawang panggigipit ng Makabayan bloc at dapat na raw nito respetuhin ang magiging desisyon ng korte.

“That bullying strategy is over. The rule of law is here to catch with you. So Bayan Muna should start respecting the decisions of the magistrate. Their bullying will not work this time when people already understand their duplicitous and deceptive nature. Let us refresh these hypocrites and liars of what their own NDFP (National Democratic Front of the Philippine)-Panay spokesperson (Concha Araneta) said on their 46th NDFP Anniversary last 24 April 2019” dagdag pa ni Parlade.

Magugunita na gustong ipa-review ng Bayan Muna ang pagpapalabas ni Quezon City Regional Trial Court Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng mga search warrants para payagan ang mga alagad ng batas na magsagawa ng pagalugad sa mga opisina ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Kilusang Mayo Uno, Anakpawis, Gabriela, at National Federation of Sugar Workers, and tahanan ng ilang miyemrbo ng KADAMAY.

Umapela naman si Parlade sa Korte Suprema na imbestigahan ang mga hukom na nag-dismiss sa kaso laban sa mga NPA.

Source: Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: