Local News

Look! NPA na Nagpanggap ng Baliw, Arestado!

Nasakote ng kapulisan ang isang New People’s Army (NPA) na nagpapanggap ng baliw para malusot sa checkpoint.

Nakilala ang rebeldeng komunistang sa alias “Gian”. Nalaman ang pagkakakilanlan ni Gian dahil sa tulong ng dating NPA.

Ayon sa dating NPA, si Gian ang nagtuturo sa mga illiterate na NPA rebels noong March 2005 sa kabundukan ng Flora, Apayao.

Si Gian ay nasa kustodiya na ngayon ng kapulisan at sumasailalim na sa interrogation.

Nananawagan si PRO 2 chief Police Brig. Gen. Crizaldo Nieves sa mga tao na maging mapagmatiyag sa mga katulad ni Gian na nagpapanggap para makakuha ng impormasyon laban sa gobyerno.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na ang isang NPA ay nahuling nagpapanggap. Magugunita na may nahuli na rin na mga NPA na nagpanggap na mga human rights workers. Ilan sa mga ito ay sina Alexa Pacalda at Glendhyl Malabanan.


Source: Manila Bulletin | Tempo | Gen. Parlade | Gen. Parlade

Leave a Reply

Theme by Anders Norén