Local News

NPA na Sumuko sa Gobyerno, Pinatay ng mga dating Kasamahan!

Kinundina ng ating kasundaluhan ang ginawang pamamaslang ng communist terrorist group na New People’s Army (NPA) sa dati nilang kasamahan na nagbalik-loob sa gobyerno. Nangyari ang krimen nitong Sept. 28 sa Matuguinao, Samar province.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, pinagbabaril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan si Carlos Diaz habang nagsasaka ito.

Ayon kay Philippine Army’s 19th Infantry Battalion (19IB) commander Lt. Col. Jasper Justito Pecson, payapa na namumuhay si Diaz nang patayin ito ng 8 NPA. Si Diaz ay sumuko sa gobyerno noong taong 2018 at namumuhay na lang sa pagsasaka.

Ayon sa opisyal ng militar, layon ng mga NPA na takutin ang mga kabaro na nagpaplano nang sumuko sa gobyerno.

“The NPA has been doing atrocities in order to instill fear to their former members and supporters and even kill people in the communities who contradict their propaganda,” sabi ni Pecson.

Magugunita na sa mga ulat ng media arm ng gobyerno ay naibalita nila na sunod-sunod na ang pagsuko ng ilang rebeldeng komunista.

Nangako naman si Philippine Army’s 8th Infantry Division commander Maj. Gen. Pio Diñoso III na bibigyan nila ng hustisya ang pagkasawi ni Diaz.

“We will make the communist NPA terrorists and their supporters accountable for the actions of their members who deprived their former NPA members (of the chance) to live peacefully with their loved ones,” sabi ni Diñoso.

Nanawagan din si Diñoso sa Commission on Human Rights at self-declared human rights advocates na kundinahin naman ang ginawang kahayupan ng NPA.

Source: PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: