Local News

Hindi Tulad sa Maynila! NPA, “Persona Non Grata” sa Baguio City

Kung si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ipinabaklas pa ang mga anti-NPA tarpaulins sa kanyang nasasakupan, ang lungsod naman ng Baguio ay tahasang idineklarang Persona Non Grata ang mga rebeldeng komunistang New People’s Army (NPA) sa kanilang lugar.

Nagbigay din ng pahayag si Baguio City Mayor Bejamin Magalong laban sa mga rebeldeng komunista.

“Lat June, the local government of Baguio CItyu declared the CPP-NPA persona non grata on the basis of a resolution that was passed by the city council.

Gusto ko sanang sabihin sa ating mga kapatid na miyembro ng CPP-NPA na dito po sa syudad ng Bagiuo, tahimik po ang mga tao rito. People here are living a very simple life. They are peace-loving citizens.

Huwang po kayong pumunta rito para manggulo. Huwag din po kayong pumunta rito para mag-agitate ng ating mga estudyante at mga out-of-school youth,” sabi ni Mayor Magalong

Nilinaw naman ni Mayor Magalong na handang siyang makipag-usap sa mga rebelde upang isulong ang kapayapaan at magbalik-loob ang mga ito sa gobyerno.

“Hindi po kayo welcome kung ganyan po ang inyong pakay dito.

Kung ang gusto niyo ay pumunta sa syudad ng Baguio at tumira sa Baguio, ang ibig sabihin nito ay i-embrace ninyo po yung aming sistema at prinsipyo na dito sa syudad ng Baguio, ang mga tao po dito ay tahimik, peaceful, law-abiding.

Ino-open ko po ang syudad ng Baguio para sa inyo sa isang kondisyon, mag-usap po tayo para sa kapayapaan. We want you to return to the fold of the law,” ani Magalong.

Source: PIA | PIA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén