Local News

NPA, Pumatay ng 2 Sundalong Tumutulong sa COVID-19 Relief Aid!

2 Sundalo ang nasawi matapos umatake ang mga pinaniniwalaang New People’s Army (NPA) sa Maria Aurora, Aurora province, habang naka-lockdown ang lugar nito lamang ika-21 ng Abril.

Binabantayan ng mga sundalo mula sa Army’s 91st Infantry Battalion ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namamahagi ng tulong pinanasiya sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program ng gobyerno.

Ayon sa naging ulat ng Public Information Office, nagpaulan ng bala ang mga rebeldeng komunista sa mga sundalo na patungong bayan ng Diaat. Gumanti ng putok ang mga kasundaluhan at umabot sa isang oras ang bakbakan ng dalawang panig. Nasawi ang isang sundalo habang ang isang pang sundalo na sugatan ay pumanaw sa ospital.

Kinundina ni 91st IB acting commanding officer Lt. Col. Reandrew Rubio ang pag-atake ng mga rebeldeng komunista sa bayang na apektado ng covid-19 crisis.

Kinilala nnaman ni Brig Gen. Alfredo V. Rosario, 7th ID commander ang kabayanihan ng mga sundalo. Ayon sa heneral, mahuhuli at pananagutin nila ang mga rebelde sa lalong madaling panahon.

“I am very proud of my soldiers, they are among our modern heroes… For their acts, they will be forever remembered… Sooner or later, we will catch these bandits and for sure they will pay for the crimes they have committed,” sabi ni Rosario.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén