Local News

TIGIL OPERASYON! NTC, Inutusan na ang ABS-CBN na Huminto sa Broadcasting dahil sa Franchise Expiration!

Naglabas na ng direktiba ang National Telecommunications Commission para pahintuin ang ABS-CBN sa pagsasagawa nito ng operasyon sa buong bansa matapos mapaso ang legislative franchise ng istasyon. Itinakda na ng NTC ang pagdinig sa isyu pagkatapos ng enhance community quarantine.

Kamakailan lang ay nagbabala si Solicitor General Jose Calida sa mga opisyal ng NTC kung bigyan nito ang ABS-CBN corporation ng provisional permit to operate kahit na naka-pending ang prangkisa nito sa kongreso. Paliwanag ni SolGen Calida, hindi pwedeng maipasa ang kapangyarihan ng kongreso na magbigay ng legislative franchise sa isang regulatory body tulad ng NTC. Nagbanta si Calida na mahaharap ang mga opiysal ng NTC sa kaso kung sakaling payagan ang istasyon ng mag-operate kahit paso na ang prangkisa.

“The NTC commissioners risk subjecting themselves to prosecution under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act should they issue the unlawful PAs (provisional authorities) to ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence in the absence of franchise,” banta ni SolGen Calida.

Matatandaang may mga pagkakataon nitong nagdaang mga taon na pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN na haharangin niya ang franchise renewal nito. Isa sa mga dahilan ni Pangulo Duterte ay ang hindi pag-e-ere ng kapamilya network ng kanyang campaign advertisement para sa 2016 presidential elections.

Sa isang panayam sinabi ni former congressman at Franchise Lawyer attorney Rolex Suplico na pwedeng i-raid ng gobyerno ang ABS-CBN kung sakaling magpatuloy ito sa operasyon kahit paso na ang prangkisa.

“Alam niyo po, maraming cases ng pirate station na nire-raid ng National Telecommunication Commission (NTC). Even ang regional offices lang ang nagre-raid. Pag ni-raid iyan, confiscated ang lahat ng equipments… By May 5, 2020, 12:01 am dapat ihinto ang broadcasting, ‘pag tinuloy ang broadcasting. it becomes a pirate station subject to raids and confiscation at iligal na iyon… Ang batas ay nagsasabi na kung wala kayong prangkisa, hindi kayo maaaring ma-isyuhan ng provisional authority (PA). Gaano ho kahaba ang PA? 18 months. May kondisyon iyan at kung ma-fufill mo ang kondisyon, pwede ka ng makahingi ng Certificate of Public Convenience and Necessity… (Pag-tinuloy ng ABS-CBN ang station) iyan ang tinatawag namin na ‘pirate station’. Ng pirate station ay isang TV o radio station na nag-o-operate na walang prangkisa o wlang PA mula sa NTC,” sabi ni Atty. Suplico.

Source: Inquirer | ABS-CBN | GMA News | SMNI | SMNI | https://citizenexpress.today/oras-na-pumatak-ang-may-5-pwede-ng-i-take-over-ng-du30-govt-ang-abs-cbn-franchise-lawyer/

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: