Local News

Nuclear Energy Program, Pinag-usapan na sa Cabinet Meeting ni PDU30!

Sa isinagawang cabinet meeting sa MalacaƱang nitong Martes ng madaling araw, iprinisinta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukala na buhayin ang nuclear energy program ng Pilipinas. Ito ay tinalakay ni nergy Secretary Alfonso Cusi sa cabinet meeting, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

“Secretary Cusi likewise sought the approval of the issuance of a proposed executive order for the inclusion of nuclear power in the country’s energy mix as the Philippines is expected to have a rapid growth in electricity demand, in which a 24/7 power is essential and necessary… The proposed EO was submitted by the OES (Office of the Executive Secretary) to the President on February 20, 2020. It has not been approved yet,” sabi ni Secretary Panelo.

Noong nakaraang taon ay napagkasunduan ng Pilipinas at ng bansang Russia ang posibleng pagtatayo ng nuclear power plant sa bansa.

Hindi naman tinalakay sa nasabing cabinet meeting ang Bataan Nuclear Power Plant pero magugunita na minsan nang inilutang ang ideya ng paggamit sa nasabing pasilidad.

“It will just be revived to generate electricity. Hindi naman tayo siguro capable to develop our own nuclear bomb. Hindi naman siguro ‘yun ang purpose nun… And if they can revive it provided na hindi tayo gagastos nang malaki, I think it will be good for us. Wala tayong nakikitang security implications niyan e,” sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong 2018.

Source: ABS-CBN | GMA News | FB | Archive | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén