Local News

NUMERO UNO si Rep. Marcoleta sa akin kung tatakbo siya sa Senado! – Radio Host

Para sa radio host na si Rey Joseph Nieto aka Thinking Pinoy, ilalagay niya sa pinakaunahan ng listahan niya si Congressman Rodante Marcoleta Jr. kung tatakbo ito sa pagka-senador.”

Sinabi ito ng Nieto matapos ang naging pagsisiwalat ni Congressman Marcoleta tungkol sa mga paglabag ng ABS-CBN sa kongreso kahapon. Isa sa hinangaan ng radio host ay ang paraan ng pagpi-presenta ng kongresista.

“If Rep. Marcoleta runs for senator in 2022, he’ll be on top of my list. Galing mag-present ng lolo mo eh,” sabi ni Nieto.

Magugunita na naging viral ang naging pagsisiwalat ni Marcoleta sa mga paglabag ng Kapamilya network. Inisa-isa kasi ng kongresista ang mga pagkakasala ng ABS-CBN mula sa labor laws hanggang sa diumano’y pangingialam nito sa politika.

“Hindi po ba mas maganda at katanggap-tanggap na tumulong sa kapwa na walang nilalabag sa batas at buong sikap na nasusunod ang prangkisa. Dahil po ba kayo ay nakakapagdulot ng saya, aliw sa ating mamamayan, nakakapagbigay ng inspirasyon, katatagan ng loob, pag-asa, katulad sa sinabi sa opening salvo ng representative ng ABS-CBN, hindi na po ba natin susundin o tutuparin, isasalang-alang ang batas, o ang prangkisa ninyo? Makakapagpasaya naman tayo, makakapag-inspire tayo nang hindi po tayo lumalabag sa batas… Hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila pwede lumabas at magpalabas,” sabi ni Rep. Marcoleta.

Pinuna rin ni Marcoleta ang ginagawa ng ABS-CBN na pamamaraan upang hindi magbayad ng malaking tax.

“Bakit ang GMA 7 na hindi kasing laki o kasing yaman ng ABS-CBN ay nakapagbayad ng buwis sa pamahalaan ng P1.6 billion noong 2018. Samanatalang ang ABS-CBN ay walang binayarang buwis. Bakit naman nakalibre ang ABS-CBN noong 2018 sa negative income tax nila na 84 million. Ibig sabihin nito ay may tax credit ang ABS-CBN at gobyerno pa ang lumalabas na may utang dito. Wala po itong pagkakaiba sa isang taong umutang sa tindahan at binigyan pa ng sukli, “ saad pa ni Marcoleta.

Source: Thinking Pinoy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén