Local News

Nung Puro Basura, Walang Reklamo! Ngayong PinaGANDA saka Nag-reklamo! – TV Host Mariel Padilla

Sinopla ng kilalang tv host na si Mariel Rodriguez Padilla ang mga kritiko ng Manila Bay White Sand Project. Ayon sa tv personality, ngayon daw dumadakdak ang mga kritiko kung kailan nakikita gumaganda na ang nasabing lugar. Nakikita din daw sa naturang proyekto kung saan napupunta ang buwis na binabayaran natin.

Si Mariel ay asawa ng aktor na si Robin Padilla na tagasuporta ni Pangulong Rorigo Roa Duterte.

“Nung puro basura walang nagrereklamo, ngayon na pinaganda… can you believe it? Ngayon sila nag reklamo? Ang hindi ko maintindihan is lagi natin hinahanap kung saan napunta yung tax na binabayad natin… ayan oh… at least yan nakikita natin di ba. Tapos mah complain pa rin?” sabi ni Mariel.

Magugunita na halos ganito dina ng naging sentimiyento ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago laban sa kritiko ng white sand project ng gobyerno.

“Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! 😡

Mag cocomment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay.

Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya.
Goodness!”
banat ni Pialago

Source: Philstar| a href=”https://www.facebook.com/mmdaspokesperson/posts/3474497809268974″>MMDA Spokesperson Celine Pialago

Leave a Reply

Theme by Anders Norén